kesoholic
June 9th 1986  (Age 23)
Female
Philippines
   

<< May 2006 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05 06
07 08 09 10 11 12 13
14 15 16 17 18 19 20
21 22 23 24 25 26 27
28 29 30 31

If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Wednesday, May 03, 2006
hika.

 

ito ang mga panahon na hindi ako makahinga.

para sa akin... iniipit ako ng mga pader sa aking paligid.

gusto kong humingi ng saklolo...

ngunit walang boses na lumalabas sa aking lalamunan.

tanging pagiyak na lamang ang aking nagagawa.

masikip na masyado ang mundong aking ginagalawan.

kada kibot ay may di ako sinasadyang nababangga.

kahit nag-iingat sa paggalaw, patuloy pa rin akong nakakabasag ng kung ano.

masikip na nga masyado ang aking mundo.

puro kalat at basura na ang nakapaligid.

mga kalat at basura na matagal ko na dapat itinapon at ibinaon sa limot.

wala nga lang akong panahon mag-ayos... kulang pa kasi sa akin ang 24 oras.

isang nagsusumigaw na katahimikan ang bumabalot ngayon sa aking sarili.

mga sigaw na nagpupumiglas na lumabas at magpakita ng tunay na anyo.

pero hindi pa sya nararapat magpakita...

hindi pa ngayon... hindi pa nya panahon.

parang walang patutunguhan ang aking mga hakbang.

sa aking palagay, hindi ako natututo.

tumigil na ang aking tenga sa pakikinig...

di na naiinitindihan ng aking utak ang mga sermon at pagalit.

sa iba ang mga ito ay anyo ng paalala...

ngunit sa pakiwari ko ay nakakabaliw ang mga "ito"...

masyado ng lumalabo ang aking paningin

malapit na rin akong tuluyang mawalan ng pakiramdam.

konting panahon na lang at mauubusan na ako ng hininga...

minsan sinusubukan kong banggain ang pader...

pero mas madalas sa hindi, hinahayaan ko na lang na maipit.

 

 


Posted at 04:24 pm by kesoholic

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry